Nagsagawa ng blood letting activity ang Philippine Army kaalinsabay ng pagdiriwang ng kanilang ika-126 founding anniversary.
Isinagawa ang blood letting activity sa Philippine Army Grandstand, Ricarte Hall at Army Officers Clubhouse sa Fort Bonifacio, Taguig City.
Suportado ng Armed Forces of the Philippines o AFP Health Service Command ang nasabing aktibidad kung saan nakapagtala ito ng may 1,273 na mga blood donor.
247 na mga blood bag ay ido-donate sa AFP Medical Center habang ang 238 blood bag naman ang ipagkakaloob sa Philippine Red Cross o PRC.
Nakilahok sa nasabing aktibidad ang ibaβt ibang major service units ng AFP, gayundin ang mga volunteer mula sa Philippine Coast Guard, Metropolitan Manila Development Authority o MMDA, Philippine National Police o PNP.
Gayundin ang Bureau of Jail Management and Penology o BJMP, Reserve Officers Training Course o ROTC cadets at AFP Reserve Command. I via Jaymark Dagala