Mga tauhan ng Phil. Army, binigyan ng spesyal na pribilehiyo sa Dakak Resort

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bilang pagsulong ng morale at welfare ng mga sundalo, isang Memorandum of Agreement (MOA) ang nilagdaan sa pagitan ng Philippine Army at Dakak Resort and Properties sa Brgy. Taguilon, Dapitan City, Zamboanga del Norte nitong weekend.

Sa ilalim ng kasunduan na nilagdaan ni Army Commanding General Lt. Gen. Roy M. Galido at Dakak Resort and Properties President and General Manager, Ms. Svetlana Jalosjos De Leon, itinakda ang pamosong beach resort bilang opisyal na Rest and Recreation (R&R) Resort ng Philippine Army.

Dito’y pagkakalooban ng mga spesyal na pribilehiyo at diskwento ang lahat ng tauhan ng Philippine Army sa akomodasyon, pagkain at iba pang serbisyo ng resort.

Nagpasalamat si Lt. Gen. Galido kay Ms. Jalosjos De Leon, sa pagsuporta at pagtitiwala sa Phil. Army.

Sinabi ng Heneral na pinapahalagahan ng Phil. Army ang morale ng kanilang mga tauhan kaya prioridad nila ang mga programa para sa kapakanan at individual development ng mga sundalo. | ulat ni Leo Sarne

📷 Dakak Resort and Properties

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us