Digitalization, may mahalagang papel sa paglaban sa katiwalian ayon sa ARTA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinangunahan ng Anti-Red Tape Authority o ARTA ang isang Legal Summit sa Pasay City ngayong araw.

Ayon sa ARTA, magsisilbing daan ito para mapaigting ang ugnayan sa iba’t ibang ahensya ng Pamahalaan na malabanan ang katiwalian.

Sa kaniyang talumpati, sinabi ni ARTA Director General, Sec. Ernesto Perez, kailangang umayon ang kampaniya kontra katiwalian sa itinatakbo ng panahon at teknolohiya.

Kaya naman sinabi ni Perez na mahalaga ang pagkakaroon ng isang one-stop-shop para sa pagtanggap ng mga reklamo sa ilalim ng ease of doing business act.

Iginiit pa ni Perez na makasusunod din ito sa naisin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr na idigitalize na ang transaksyon sa Pamahalaan kahit pa ang paglaban sa katiwalian. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us