Inaprubahan sa plenaryo ng Kamara ang House Bill 7387 na naglalayong palawakin ang mga serbisyo ng Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) sa lahat ng sektor ng agrikultura at ang pakikilahok sa naturang programa ng pribadong sektor.
Sa pamamagitan ng 268 affirmative votes ay pinagtibay ang panukala na mag-aamyenda sa ang βSections 1 at 3.11β ng Presidential Decree 1467 na lumikha sa PCIC.
Oras na maisabatas, sasakupin ng serbisyo ng PCIC ang lahat ng agricultural commodity gaya ng palay crops, iba pang pananim, pati non-agricultural assets tulad ng livestock, aquaculture and fisher, agroforestry, forest plantations, makinarya, kagamitan, trapsortasyon at imprastraktura maging ang production inputs ng magsasaka.
Maliban dito ay bibigyan din ng kapangyarihan ang ahensiya na magbigay ng βagricultural reinsurance servicesβ sa mga pribadong kompanya, kasama ang mga pangsakahang kooperatiba at samahan ng mga magsasaka na sumali sa programang βagricultural insurance.β
Inaasahan na spinalawak na crop insurance system ay mas mapo-protektahan ang mga magsasaka sa banta ng pagkaluging dahil sa mga peste at sakit sa mga hayop gaya ng African Swine Fever (ASF) at pananim tulad ng βrice Tungro virusβ (RTV). I via Kath Forbes