Ayon kay Ginang Dominga Nafortek, isang rice retailer sa bayan, ang kada 25 kilo na sako ng special rice ay binibili nila ngayon sa presyong P1,180 hanggang P1,280 mula sa dating presyo na P1, 300 pataas.
Subalit, ayon sa kanya at sa iba pang nakapanayam ng Radyo Pilipinas, hindi pa bumabalik sa dati ang presyo ng kanilang inaangkat na bigas.
Dati ay 900 hanggang 1, 100 ang presyo ng kada 25 kilos na sako ng bigas bago manalasa ang bagyong #EgayPH.
Umaasa si Nafortek at iba pang rice retailers sa Bontoc na bababa pa ang presyo ng kanilang inaangkat na bigas mula sa kanilang mga supplier sa Nueva Vizcaya sa mga susunod pang araw.
Sa paglilibot ng Radyo Pilipinas sa lokal na mercado dito sa Bontoc, ang mga ibinebenta nila ay special rice sa presyong P50 hanggang P60 kada kilo.
Ang presyo naman ng 25 kilos kada sako ng bigas ay mula P1200 hanggang P1300.
Isang rason ng mga retailer kung bakit bahagya lamang ang ibinaba ng presyo ng bigas sa bayan ay dahil sa transportasyon ng bigas na nagmumula pa sa Nueva Vizcaya.| ulat ni Donalyn Kawis-Balio| RP1 Bontoc