Nakatakdang dumating ngayong araw ang mga mga labi ng isang OFW caregiver na pinatay ng mga teroristang Hamas sa simula ng nangyaring Israel-Gaza conflict.
Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), ang nasabing caregiver ay isa sa apat na OFW na kumpirmadong nasawi sa simula ng mga pag-atake ng Hamas sa timog Israel noong ika-7 ng Oktubre 2023.
Ayon sa ulat, tumanggi itong iwan ang kanyang pasyente na isang matandang residente ng Israel, nang magsagawa ng kibbutz ang grupong Hamas at pagbabarilin ang kanilang tirahan.
Inaasahang darating mamayang 3:55 ng hapon ang eroplanong sakay ang labi ng nasabing OFW.
Dadalhin ito sa kanyang probinsya sa Negros Occidental kinabukasan, araw ng Linggo.
Nagpahayag naman ng pakikiramay ang DMW at ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa pamilya ng nasawing OFW at tiniyak sila ng tulong at suporta.
Hinikayat din ng DMW-OWWA ang iba pang mga OFW sa Israel at Gaza na manatiling alerto at sumunod sa mga safety protocol na inilabas ng Philippine Embassy sa Tel Aviv. | ulat ni EJ Lazaro