Tatapusin na ng pamahalaang Pilipinas ang ban sa pagpapadala ng manggagawang Pinoy sa bansang Kuwait.
Binanggit ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang arrival speech matapos ang matagumpay na biyahe nito sa Saudi Arabia.
Ayon sa Pangulo, ang pasiyang tapusin na ang ilang buwan na ding hindi pagpapadala ng Pinoy workers sa Kuwait ay bunga ng kanilang naging pag-uusap ni Kuwaiti Crown Prince Sheikh Mishal Al-Ahmad Al-Jaber Al-Sabah na humiling na wakasan na ang deployment ban.
Itinururing naman ito ng Pangulo na isang magandang development at inaasahang babalik na uli sa normal ang relasyon ng Pilipinas at Kuwait particular na sa pagpapadala ng ating mga manggagawa sa nabanggit na bansa sa Gitnang Silangan.
Kaugnay nitoy agad Naman aniyang kumilos ang pamahalaang Kuwait at agad pinag- usapan ang isyu sa kanilang ministerial at ambassador level.| ulat ni Alvin Baltazar