Philippine Coast Guard Academy, itatayo sa Misibis, Bacacay Albay

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ibinalita ni Atty. Alfredo Garbin Jr., Executive Director ng AKO Bicol Partylist, na kagaya ng Philippine Military Academy o PMA, at Philippine National Police Academy o PNPA, ang itatayong Philippine Coast Guard Academy sa Misibis, Bacacay Albay.   Kamakailan, lumagda na sa isang Memorandum of Agreement o MOA ang Philippine Coast Guard at Department of Public Works and Highways ukol sa proyekto.

Ayon kay Garbin, ang proyekto ay may inisyal na pondong P200 milyon ngayong taon. Sa loob ito ng tatlong taon. Target na matapos ang proyekto sa taong 2025. Ang kabuuang pondo ng proyekto ay P2.2 bilyon.

Sabi ng opisyal, ang land area ng academy ay mula 3 hanggang 5 hektariya ng lupain, mayroon itong oval, training facilities, barracks at administrative building. | ulat ni Nancy Mediavillo | RP1 Albay

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us