Hinikayat ni AKO Bicol Party-list Rep. Elizaldy Co ang mga kabataan na maging matatag at magkaisa sa gitna ng mga kinahaharap na hamon sa buhay.
Ito ang mensahe ni Co sa ginanap na Bicol University Olympics 2023 kung saan sa kanyang talumpati ay kanyang binigyang diin na ang palakasan ay higit pa sa kompetisyon.
Pinaalalahanan din nito ang mga kalahok na bitbit nila ang pride at pagasa na Bicol.
Ayon sa chairman ng House Committee on Appropriations na sa pamamagitan ng holistic na pamamaraang gaya ng sports ay mapapaunlad ang susunod na magiging pinuno at mga indibidwal na matalino, disiplinado, matulungin, marunong makisama at higit sa lahat, ay may malalim na pakiramdam ng komunidad.
Ang Bicolano lawmaker ay matagal ng sumusuporta sa educational opportunities ng mga Bicolano youth.
Sa pamamagitan ng kanyang “Tabang sa Edukasyon” initiative, kapartner ang Department of Social Welfare and Development, patuloy itong nag bibigay ng tulong pinansyal sa libo libong mga estudyante sa Bicol Region. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes