Nagsagawa na ng profiling ang Department of the Interior & Local Government (DILG) Surigao del Sur sa mga nanalong kandidato sa nagdaang Barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Sa panayam ng Radyo Pilipinas Tandag kay Ma. Lourdes Martinez, outcome manager ng nasabing tanggapan, inihayag nito na mahalaga ang nasabing hakbang bilang bahagi sa mga paghahanda para sa pormal na pag upo ng mga bagong halal na opisyal.
Ngunit nilinaw ni Martinez na alinsunod sa inilabas na Memorandum Circular 2023-166 ni DILG Sec. Benhur Abalos na nagbigay guidance sa pormal na panunungkulan ng mga bagong barangay at SK officials, kailangang makapag sumite ang mga bagong halal ng mga rekisitos.
Tulad ng naisumiteng statement of contributions & expenditures (SOCE), Certificate of Proclamation mula sa BBOC ng COMELEC at ang pormal na panunumpa sa katungkulan. | ulat ni Nerissa Espinosa | RP1 Tandag