Positibo ang pamahalaan na aabot sa isang trilyong piso ang investment proposals ngayong 2023 ng administrasyon.
Base sa datos ng Board of Investment, nasa โฑ414.3-billion na as of February 9 ang total investment projects ang naaprubahan na 142.9 percent na mataas kumpara sa โฑ170.5-billion noong isang taon para sa kaparehong peryodo.
Ayon naman sa Department of Trade and Industry (DTI), may potential investment na nagkakahalaga ng โฑ344-billion ang naghihintay na mai-proseso at base sa projection ng ahensya ay baka umabot na sa 80% to 90% ang target na investment bago pa man sumapit ang kalagitnaan ng taon.
Kaugnay nito’y sinabi ng DTI na ang pagsipa ng investment ay patunay lang na nagbubunga ang mga naging biyahe sa abroad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na dito ay nagpahayag ng interes ang mga pinuntahang bansa para maglagak ng Negosyo sa Pilipinas.
Mas maganda rin umano ang foreign investment approvals ngayon na dito ay nakitang umangat ng โฑ163-billion pesos mula sa โฑ249-million sa kaparehong timeline noong 2022.
Ang agresibong investment promotion ng Punong Ehekutibo ayon sa Palasyo ay sinabayan pa ng malakas na economic performance ng bans ana kung saan ay naitala ang 7.6% GDP growth. | ulat ni Alvin Baltazar