Pangulong Marcos Jr., siniguro na aktibo ang pamahalaan sa pagtugon sa mga naapektuhan ng 6.8 magnitude na lindol sa Davao Occidental

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kumikilos na ang mga kinauukulang tanggapan ng pamahalaan upang masiguro ang kaligtasan ng mga naapektuhan ng 6.8 magnitude na lindol na tumama sa Davao Occidental, pasado alas kwatro, Biyernes (November 17) ng hapon.

“Following the 6.8 magnitude earthquake in Davao Occidental at 4:14 PM, I assure you that the government is actively responding to ensure the safety of our citizens.” —Pangulong Marcos

Ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., aktibo ang NDRRMC, at ang Civil Defense Regional Offices ay mahigpit na nakikipagtulungan sa mga local units para sa pinakahuling impormasyon.

“The NDRRMC is activated, and our Civil Defense Regional Offices are coordinating closely with local units to provide real-time updates.” —Pangulong Marcos.

Sabi ng pangulo, sa mga ganitong panahon, makakaasa ang mga Pilipino sa commitment ng Marcos Administration na tiyakin ang kaligtasan at muling pagbagon ng mga ito.

Inatasan na aniya niya ang mga kinauukulang tanggapan ng pamahalaan na ganap na makipagtulungan sa mga nagpapapatuloy na pagtugon sa pangangailangan ng mga naapektuhan ng lindol.

“In these challenging times, my commitment to your safety and recovery is unwavering, and I have instructed every relevant government agency to fully contribute to ongoing efforts.” —Pangulong Marcos.| ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us