Nakipagpulong ang Department of Trade and Industry (DTI) sa Silicon Valley Technology Companies upang pag-usapan ang pagpasok ng Artificial Intelligence (AI) sa Pilipinas.
Personal na dumalo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasama si Trade Secretary Alfredo Pascual sa technology companies at investors meeting sa Sun Valley San Francisco California, upang pag-usapan ang AI Technology na pormal nang magamit sa ating bansa.
Ayon kay DTI Secretary Alfredo Pascual, malaking bagay ang bagong teknoloihiya na ito na magamit sa ating bansa para sa pagsabay ng Pilipinas sa digitalization na laganap na sa buong mundo, at mas makapang-aakit pa ng mga mamumuhunan sa bansa na bagay na isinusulong ng Marcos Administration.
Sa huli, postibo naman ang Pangulo at si Secretary Pascual na ma-adapt ang naturang bagong tekonoliya sa Pilipinas dahil mas magiging moderno na ang mga serbsiyo mapa priabado at pampublikong sektor.
Kinakailangan lamang aniya na gamitin ng tama ang AI, sa mabuti at hindi sa masama. | ulat ni AJ Ignacio