CAAP, naka-heightened alert sa Semana Santa para tugunan ang dagsa ng mga bakasyunista

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magtataas ng alerto ang Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP kasabay ng pagdagsa ng mga pasahero at bakasyunista para sa Semana Santa.

Ayon sa CAAP, alinsunod ito sa direktiba ni Department of Transportation o DOTr Sec. Jaime Bautista kasabay ng kanilang Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa.

Itataas ang heightened alert simula Abril 2 o Palm Sunday hanggang Abril a-10 ng taong kasalukuyan na deklarado rin bilang holiday kasabay paggunita sa Araw ng Kagitingan salig sa holiday economics na itinakda ng pamahalaan.

Dahil dito, puspusan ang ugnayan ng CAAP sa iba’t ibang ahensya tulad ng PNP Aviation Security Unit, Office of Transport Security o OTS, Department of Tourism, Civil Aeronotics Board at mga airline company para tiyakin ang ligtas na biyahe.

Kasabay nito, nakatakda namang mag-ikot bukas ang mga opisyal ng Manila International Airpiort Authority o MIAA sa mga paliparan ng Maynila upang tingnan ang mga ginagawang paghahanda para sa pagdagsa ng mga pasahero. I via Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us