Umabot na sa 13 aksidente ang kinasangkutan ng Cessna planes ang naitala ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa nakalipas na apat na taon.
Ayon sa Aircraft Accident Investigation and Inquiry Board ng CAAP, ang 13 naitalang insidente sa naturang aircraft na gawa ng Textron Aviation ay nagresulta sa pagkasugat o pagkamatay ng piloto o mga sakay nito o matinding pinsala o pagkawasak ng aircraft.
Dagdag pa ng CAAP ang pinakamaraming naitalang aksidente ay ang Cessna 152 na 2-seater aircraft na gamit sa flight training ng mga nag-aaral na maging piloto ay nakapagtala ng anim na aksidente mula pa noong 2019 hanggang 2022.
Habang dalawang aksidente naman ang naitala ng Cessna 172 na four-seater at 206 6-seater aircraft na gamit sa general aviation and commercial operation sa ating bansa.
Magugunitang ito na ang ikalawang insidente na kinasangkutan ng naturang eroplano ngayong 2023.
Samantala, hindi naman sapat ayon sa CAAP ang dalawang magkasunod na insidente upang isuspinde ang pagpapalipad ng mga naturang mga eroplano sa bansa.
Patuloy naman ang imbestigasyon nito sa sanhi ng nangyaring insidente sa Cessna plane sa Bicol at sa pagpapatuloy ng search and rescue operations sa naturang insidente. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio
?: Camalig, Albay Mayor Caloy Baldo