Umarangkada na ang parada ng mga float sakay ang mga artista na kalahok sa 49th Metro Manila Film Festival (MMFF) mula sa Navotas Centennial Park.
Tulad ng inaasahan, dinagsa na ng tao ang pinagdadausan ng parada, magkabilang panig ng kalsada ay nakahilera ang mga tao masilayan man lang ang mga iniidolong artista.
Mula sa Road 10, uusad ang parada hanggang sa Valenzuela People’s Park.
Kabilang sa 10 pelikula na kalahok sa MMFF ay ang: A Family of 2 (A Mother and Son Story); (K)Ampon; Penduko; Rewind; Becky and Badette; Broken Heart’s Trip; Firefly; GomBurZa; Mallari; at When I Met You in Tokyo.
Kabilang sa mga artista sa mga pelikula sina Christopher De Leon, Dingdong Dantes, Piolo Pascual, Derek Ramsey, Alden Richards, Eugene Dominguez, Enchong Dee, Alessandra de Rossi, Kylie Versoza, Christian Bables, at iba pa.
Samantala, kampante si MMDA Chairman at kasalukuyang MMFF Over-all Chairman Romando Artes, na ang edisyong ito ng MMFF ay magtatakda ng mga bagong rekord.
Iniimbitahan ang publiko na panoorin ang lahat ng 10 pelikula at suportahan ang festival.
Simulang ipapalabas ang mga pelikula sa Disyembre 25 hanggang Enero 7 sa mga sinehan sa bansa.| ulat ni Rey Ferrer