Nagpahayag ng kahandaang tumulong ang Argentina para sa pagtatatag ng Pilipinas ng nuclear energy.
Isa ito sa mga naging paksa sa courtesy call ni Argentine Ambassador Ricardo Luis Bocalandro kay House Speaker Martin Romualdez nitong Miyerkules.
Ayon sa embahador, bukas ang kanilang bansa na magbigay ng assistance sa Pilipinas sa kung paano ma-develop ang ating nuclear energy program.
Nitong Martes naman nang bumisita sa Kamara si Morrocan Ambassador Mohammed Rida El Fassi.
Maliban sa pagpapalakas ng ugnayang bilateral, sinabi ni El Fassi na maaaring mag supply ng automotive parts at fertilizer ang Morroco sa Pilipinas. | ulat ni Kathleen Jean Forbes