Pagsiguro sa kaligtasan ng mga biyahero sa lalawigan ng Batanes ngayong Holy Week, tiniyak ng PCG

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kaugnay sa Oplan Biyaheng Ayos ngayong Semana Santa, naka-heightened alert ang Philippine Coast Guard (PCG) Batanes upang siguruhin ang kaligtasan ng mga biyahero sa lalawigan ngayong Holy Week.

Regular ang mahigpit na ginagawang pagbabantay at inspeksyon ng PCG sa mga pantalan sa lalawigan ng Batanes.

Mayroon ding K-9 units ang PCG na katulong sa pag-iinspeksyon sa mga kargamentong ipinapadala sa island municipalities ng Itbayat at Sabtang.

Paalala naman ni CG ENS James Guerrero ang Deputy Commander at OIC ng PCG Batanes sa lahat ng mga biyahero na sumakay lamang sa mga awtorisadong pampasaherong bangka at isuot ng maayos ang life jackets habang nasa biyahe.

Dagdag pa nito, ugaliing isulat ang tunay na pangalan, edad, tirahan at kasarian sa talaan ng mga pasahero.

At kung sakaling kakailanganin ang kanilang tulong ay huwag mag-alinlangang dumulog sa kanilang mga himpilan. | ulat ni May Anne Bata | RP1 Batanes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us