Aabot sa 1,630 Parent-Teacher Association beneficiaries mula sa 68 public school sa Valenzuela City ang makikiisa sa bagong programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Inilunsad na kahapon ng DSWD ang “Farm@Aralan: Tanim na Sapat, sa Hapag ay Sapat!” Cash for Work program sa Valenzuela City School of Mathematics and Science.
Sa ilalim ng programa, ang mga benepisyaryo ay lalahok sa vegetable planting at growing activities sa loob ng anim na buwan.
Magiging kabahagi ang mga ito sa whole-of-nation approach ng gobyerno na layong makamit ang food at water security sa pamamagitan ng pagtatatag ng mga taniman ng gulay sa mga paaralan sa lungsod
Ang mga mahaharvest sa proyekto ay bibilhin ng Central Kitchen ng lungsod para gamitin sa feeding program beneficiaries.
Ang Climate Change Adaptation and Mitigation Cash for Work Program ng DSWD ay ipapatupad sa buong bansa. Tema ng programa ay food security, water security, at capacity building sa gitna ng pagbabago ng klima. | ulat ni Rey Ferrer