Tinatanong ngayon ni Basilan Representative Mujiv Hataman kung ano na ang nangyari sa decommissioning process sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.
Kaugnay pa rin ito ng nangyaring ambush kay Lanao del Sur Governor Mamintal Adiong Jr. noong nakaraang linggo.
Punto ni Hataman, hindi normal sa panahon ng kapayapaan ang nagaganap na mga karahasan.
Kayaβt nais nitong malaman kung ano na ang estado ng normalization process sa rehiyon, kung saan bahagi ang decommissioning o pagsusuko ng mga armas ng private armies at mga rebelde.
βWe have worked long and hard to achieve peace in the region, which I believe we started enjoying, until recently. Pero bakit ang pakiramdam ng mamamayan ay mas lalong lumalala ang sitwasyon kaysa bumubuti? Hindi ba dapat ay meron na tayong decommissioning ng mga armas ng private armies at dating mga rebelde? Ano na nga ba ang nangyayari sa normalization process? Ang karahasang ito ay hindi kailanman normal sa panahon ng kapayapaan?β sabi ng Basilan representative.
Sa naging pagdinig ng House Committee on Peace, Reconciliation and Unity, Nobyembre ng nakaraang taon, iminungkahi na ni Hataman na unahin ang armed combatants sa decommissioning upang masiguro na wala nang makapagdadala ng armas at tuluyang nang mahinto ang giyera. | ulat ni Kathleen Jean Forbes