Personal na binisita ni Vice President Sara Duterte ang mga naapektuhan ng malawakang pagbaha dulot ng walang tigil na pag-ulan sa Mindanao.
Partikular na binisita ng Pangalawang Pangulo ay ang Maco, Davao de Oro na isa sa mga pinakamatinding sinalanta kung saan, maliban sa pagbaha ay nakaranas din ng landslide.
Doon, nagpaabot ng tulong si VP Sara sa mga apektadong pamilya gaya ng loot bags na naglalaman ng food at non-food items katuwang ang DSWD.
Nagsagawa rin ng stress debriefing ang OVP sa mga nagsilikas upang maibsan ang bigat ng kanilang dinaranas at tulungan silang makabangon muli.
Nagsagawa rin ng soup kitchen ang OVP sa Nueva Visayas Gymnasium kung saan pansamantalang nanunuluyan ang mga nagsilikas sa ilalim ng OVP Kalusugan Foodtruck. | ulat ni Jaymark Dagala