Suportado ng ang pagluluwag sa ilang economic provisions ng Saligang Batas ng Pilipinas.
Pinahayag ito ng kinatawan ng iba’t ibang foreign chamber of commerce sa pagdinig ng Senate Subcommittee on Constitutional Amendments sa panukalang Economic Cha-cha (Resolution of Both Houses No. 6).
Ayon sa kinatawan ng Joint Foreign Chamber of Commerce at ng Canadian Chamber of Commerce na si Julian Payne, ang pag-aalis ng mga economic restrictions ay makapagpapabilis ng pagtaas ng foreign direct investments sa mga sektor na kasalukuyang mayroong mga restrictions.
Pinunto naman ni European Chamber of Commerce of the Philippines (ECCP) President Paulo Duarte na sa 100 percent investments sa South East Asia, 4 percent lang dito ang mula sa Pilipinas.
Kaya naman kailangan aniyang kumilos ang ating bansa para maitaas ito.
Samantala, aminado naman si ECCP Executive Director Florian Gottein na nangangamba ang ilang foreign investors sa mga lumalabas na balita at political debate na nakapaligid sa usapin ng pag-amyenda sa Konstitusyon ng ating bansa.| ulat ni Nimfa Asuncion