Probinsiya ng Occidental Mindoro, 4 na oras na lang magkakaroon ng kuryente kada araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tuluyan nang binawasan ng electric power provider sa Occidental Mindoro ang isusuplay nilang kuryente sa mga consumer.

Ito ay dahil sa kabiguan ng National Power Corporation (NAPOCOR) na bayaran ang utang sa power provider na Occidental Mindoro Consolidated Power Corporation Inc. (OMCPC).

Umaabot na sa mahigit Php1 bilyong ang hindi nababayaran ng NAPOCOR na subsidy.

Sa abiso ng OMCPC, isang makina na lamang ang paaandarin nito dahil wala na rin silang sapat na pondo para makabili ng krudo.

Dahil sa pangyayaring ito, apat na oras na lamang kada araw ang suplay ng kuryente sa buong lalawigan ng Occidental Mindoro.

Una dito, nagdeklara ng State of Power Crisis noong nakaraang taon ang pamahalaang panlalawigan ngunit hindi rin nito nasolusyonan ang nasabing power outage.

Kaya naman, hiningi na ni Gov. Eduardo Gadiano sa Sangguniang Panlalawigan, na magdeklara ng State of Calamity para magamit ang calamity fund pambili ng mga solar at generator, na siyang ilalagay sa mga ospital at government offices.

Apela naman ng Occidental Mindoro Electric Cooperative sa NAPOCOR, bayaran na ang subsidy upang hindi na tumagal ang nararanasan na brownout sa buong lalawigan. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us