Ilang senador, tinanggi ang alingasngas ng kudeta sa liderato ni SP Zubiri

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ilang mga miyembro ng Senado ang nagbigay na ng pahayag at pinabulaanan ang alingasngas tungkol sa diumano’y mga pagkilos para baguhin ang Senate leadership.

Sa isang pahayag, sinabi ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na wala siyang naririnig na ganitong pagkilos.

Sinabi ni Villanueva na nagkakaisa silang sumusuporta sa likod ng tinwag aniyang inspirational leader, na si Senate President Juan Miguel Zubiri.

Pinahayag rin ni Senadora Grace Poe na walang katotohanan ang impormasyon at tiwala sila sa liderato ni SP Zubiri.

Para naman kay Senadora Nancy Binay, pang-iintriga lang impormasyon na ito.

Ayon kay Binay, taktika lang ng mga nais sumira sa Senado ang pagpapalutang ng impormasyon na papalitan si Zubiri.

Si Senador JV Ejercito naman, pinahayag na mahirap at malabong magpalit ng Senate leadership sa panahong ito.

Habang sinabi naman ni Ssenadora Imee Marcos na wala namang gustong pumalit sa pwesto ni Zubiri.| ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us