BIR, pinagtibay ang deklarasyong File and Pay Anywhere para sa April 17 deadline ng AITR

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling nagpaalala ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa mga taxpayer na maaari silang maghain ng kanilang 2022 Annual Income Tax Return (AITR), at magbayad ng kaukulang buwis saan mang venue bago ang April 17, 2023.

Pagtiyak ni BIR Commissioner Romeo Lumagui, Jr., hindi magpapataw ng penalties ang kawanihan para sa maling lugar na paghahainan at pagbabayad ng buwis.

Ang nasabing probisyon ay nakapaloob sa Revenue Memorandum Circular (RMC) No. 32-2023, na inisyu ni Commissioner Lumagui noong Marso 16, ngayong taon.

Ito ay para magbigay ng mga alituntunin sa mga taxpayer sa paghahain ng kanilang 2022 AITR, at pagbabayad ng mga buwis.

Pinaalalahanan din ng commissioner ang mga taxpayer at mga Certified Public Accountant, na huwag gumamit ng mga pekeng resibo o transaksyon, para iligal na bawasan ang kanilang mga buwis.

Nauna nang itinakda ng BIR ang deadline sa filing ng 2022 Annual Income Tax Returns at pagbabayad ng buwis, na dapat bayaran sa Abril 17 ngayong taon. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us