Nakipagpulong si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual sa delegado ng US Trade Mission ngayon araw.
Nagkaroon ng pag-uusap si US Secretary for Commerce, Gina Riambondo sa tatakbuhin ng naturang trade mission ng Estado Unidos sa bansa.
Dala ng naturang grupo ang nasa 22 kumpanya mula sa sektor ng digital economy energy crictical minerals, food security at innovation technologies.
Samantala, positibo naman si Pascual na magiging maganda ang outcome ng naturang trade mission sa Pilipinas na magbubunga ng mas maraming pamumuhunan at mas mapapalakas pa lalo nito ang investment cooperation ng dalawang bansa.| ulat ni AJ Ignacio