Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang iba’t ibang anti-corruption government agencies na magtulungan.
Ito ay ang 8888 Presidential Complaint Center at Ang Anti-Red Tape Authority (ARTA).
Sa kamakailang Laging Handa Public briefing, inihayag ni ARTA Director General
Ernesto Perez na may direktiba ngang inisyu sa kanila ang Presidente lalo’t may ilang sumbong na hindi na naaksiyonan.
Halimbawa na dito ang ilang reklamo na natatanggap ng 8888 na ipinapasa sa concerned government agency na may pagkakataong hindi naman tumutugon sa reklamo.
Ang mangyayari aniya ngayon sabi ni Perez ay ipapasa na sa ARTA ng 8888 ang reklamo at ang ARTA na din ang magsisilbing complainant laban sa isang inirereklamong kawani o opisyal ng pamahalaan.
Dati-rati kasi ay nakapokus lang ang ARTA sa mga reklamo ng red tape o delay related complaint. | ulat ni Alvin Baltazar