Naging matagumpay ang unang araw ng implementasyon ng eTravel.
Ayon kay Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco, nagsagawa ang bureau ng virtual orientation at question-and-answer session sa pamamagitan ng zoom kasama ang Airline Operators Council o AOC.
Layon ng sesyon na maresolba ang mga katanungan mula sa mga airline patungkol sa pinatutupad na e-Travel system.
Una na ring nakipagpulong sa mga pinuno ng ng Immigration terminal at immigration officers ang technical working group o TWG sa pamumuno ni Dennis Javier upang matugunan ang kanilang mga alalahanin o pangamba.
Nabatid na mahigit 32,000 parating na dayuhan at mga Filipino ang nagrehistro sa sistema habang 14,000 Filipino na paalis ng bansa ang nag-log-in sa naturang site.
Ayon kay Tansingco, sa pamamagitan ng paggamit ng e-Travel system ay mapapadali ang pagproseso ng immigration clearance ng mga paparating at papaalis na biyahero sa Pilipinas. | ulat ni Lorenz Tanjoco