Aabot sa 36,000 ang butas sa mga tubo ng Maynilad.
Dahil dito target ng Maynilad na agad itong maayos para hindi masayang ang nasa 162 milyong litrong tubig kada araw.
Ayon sa Maynilad, matutustusan nito ang pangangailangan ng tubig ng nasa 160,000 katao.
Kabilang sa planong gawin ang pagpapalit ng lumang tubo na may lawak na 180 kilometro sa Caloocan, Quezon City, Valenzuela, Manila, ParaΓ±aque, Las PiΓ±as, Muntinlupa, at Imus sa Cavite.
Nasa β±4-na bilyong piso ang inilaang pondo para sa water management, pagpapalit ng tubo pagtukoy sa mga tagas gamit ang makabagong kagamitan. | ulat ni Don King Zarate