????? ?? ????, ?????????? ?? ???? ????? ?? ?????????? ?? ??? ???????? ????? 2021 — ???

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nangunguna pa rin ang sakit sa puso bilang pinakasanhi ng pagkamatay ng mga Pilipino noong 2021, ayon sa datos mula Philippine Statistics Office (PSA)

Katunayan, tumaas pa ang bilang ng nasawi dahil sa heart disease sa bansa noong 2021 na umabot sa 155,775 cases (17.7% percent) kumpara sa 99,700 cases (17.3 percent) noong 2020.

Pumangalawa naman ang cerebrovascular diseases kabilang ang stroke na nagdulot ng 85,904 (9.8 percent) na pagkasawi noong 2021.

Pangatlo naman sa dahilan ng mortality ang
Coronavirus disease 2019 (COVID-19) na nadulot ng 79,423 deaths.

Sa kabuuan, may kabuuang 879,429 pagkamatay ang nairehistro sa PSA noong 2021 na mas mataas ng 43.2% kumpara sa 613,936 deaths noong 2020.

Katumbas ito ng death rate na 8.0, o walo sa bawat 1,000 populasyon o average na 2,409 deaths kada araw.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us