Pinahayag ni Senate Committee on Women chairperson Senadora Risa Hontiveros na posibleng maghain siya ng resolusyon para masilip sa Senado ang nangyaring sapilitang panggugupit ng buhok sa isang transgender sa Eulogio “Amang” Rodriguez Institute of Science and Technology (EARIST).
Ayon kay Hontiveros, sisilipin nila ang kaso base sa naka-pending na SOGIE-SC (sexual orientation, gender identity, gender expression or sex characteristics) bill.
Tiniyak ng senadora na susubaybayan nila ang kaso.
Sinabi rin ni Hontiveros na patuloy silang nakikipag-ugnayan sa Senate leadership at sa mga kapwa niya ng senador para tuluyan nang umusad at maipasa sa Senado ang SOGIE-SC equality bill.
Sa ngayon ay nananatili pa din sa Senate Committee on Rules ang SOGIE-SC equality bill.| ulat ni Nimfa Asuncion