Hiniling ng isang mambabatas sa Department of Education (DepEd) na kumustahin ang mental health ng mga guro.
Ito’y matapos mag-viral ang isang guro na pinapagalitan ang kaniyang mga estudyante habang naka-livestream.
Ayon kay Iloilo Rep. Janette Garin, mayroong pagkakamali ang guro sa kaniyang ginawa ngunit kailangan tignan ang insidente sa mas malawak na aspeto.
Aniya, marahil ay may pinagdaraanan ang naturang guro at wala siyang mapaglabasan ng kaniyang saloobin.
Sabi ni Garin, maaaring hindi ito isolated case at may iba pang mga guro na may mabigat na pinagdaraanan at hindi lang nagsasalita dahil hindi nila tiyak sa kung kanino sila lalapit.
“Where is she coming from and nakakalabas ba sila ng boses sa within the Department of Education? Is somebody hearing them out? Is somebody hearing their problems or is somebody supporting them? Ano ba yung mga bagay-bagay? What should be the feedback mechanism between our teachers and their administration? This is a very important thing that should also be looked into, because for all we know, baka mamaya sa loob loob niya nandun na yung galit pero hindi siya makalapit sa Principal, sa Regional Director, or baka nakalapit siya may problema na pero kino-contain kasi hindi nila maipalabas sa Central Office,” paglalahad ni Garin.
Sabi pa ng Iloilo lawmaker, na marahil ay sinadya ng guro na i-live ang kaniyang panenermon para makakuha ng atensyon at siya at mapakinggan.
Kaya mahalaga aniya ngayon ang magiging tugon o hakbang ng DEPED para dito.
Sabi pa ng mambabatas na maliban sa mga estudyante, kailangan din ngayon ng pangangalaga ng isang ‘nanay’ ang mga gruo.
“And that’s where leadership comes into picture. And that is why this problem should be looked deeply by the Department of Education. Ano ba ang problema? Mayroon bang feedback mechanism?…What is the solution of DepEd on that matter?…That is where the management should come into play. Because this point of time, nangangailangan ng nanay. Nangangailangan ng nanay both the students, the teachers and the institution,” giit ni Garin.| ulat ni Kathleen Forbes