Marcos Administration, sisikaping maabot ang 95% immunization ng mga batang Pilipino sa loob ng 2 hanggang 3 taon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Puspusan na ang ginagawang pagkayod ng Department of Health (DOH) upang mabakunahan na ang mga bata sa bansa, laban sa mga sakit na maaari namang iwasan sa pamamamagitan ng pagbabakuna.

Pahayag ito ni Health Undersecretary Eric Tayag sa gitna ng ginagawang immunization drive ng pamahalaan laban sa Pertussis at Tigdas.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ng opisyal na target nilang abutin ang 95% ng fully immunized na mga kabataan sa bansa sa loob ng dalawa hanggang tatlong taon.

Kailangan lamang aniyang masiguro ang sapat na supply ng bakuna at plano ng bawat local government unit sa bansa, upang matiyak na walang bata o sanggol ang hindi mababakunahan.

Bukod dito, kailangan rin aniyang maging katuwang ng DOH ang iba’t ibang sektor at tanggapan ng pamahalaan at hindi lamang ang mga international organization, upang maisakatuparan ang flagship program na ito ng tanggapan. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us