Hindi nakikitang magkakaroon ng epekto ang ginanap na trilateral meeting ng Pilipinas, US at Japan sa investment sa bansa mula sa China.
Sa Kapihan with Media sa Washington, inihayag ng Pangulo na wala siyang nakikitang koneksyon sa dalawang magkahiwalay na usapin.
Naniniwala ang Pangulo na ipagpapatuloy pa rin ng China ang kalakalan sa bansa at gagawin nito ang pamumuhunan base sa nais nitong investment na gawin sa Pilipinas.
Kaugnay nito’y inaasahan ng Pangulo ang 100-billion-US dollars na papasok na investment sa bansa sa susunod na limang taon.
Ito ay mula pa lamang sa dalawang bansang nakasama ng Pilipinas sa matagumpay na trilateral meeting. | ulat ni Alvin Baltazar