Mayroon nang counterpart measure sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukala na maggawad ng dagdag na mga benepisyo at pribilehiyo para sa mga dating Pangulo ng Pilipinas.
Nakapaloob ito sa House Bill 7231 o βFormer Presidents Benefits Actβ na inihain nina Zamboanga del Sur 1st District Representative Divina Grace Yu at Zamboanga 2nd District Representative Jeyzel Victoria Yu.
Kabilang sa benepisyo ang pagkakaroon ng hindi bababa sa tatlong protection at personal security detail ng former president na magmumula sa Presidential Security Group at maaaring i-augment ng Philippine National Police (PNP).
Bibigyan din ng hindi bababa sa dalawang protection at personal security detail ang immediate family member ng dating pangulo bastaβt ito ay nabubuhay pa.
Ipinapanukala rin na mabigyan ito ng sapat na staff na mula sa Office of the President at βoffice spaceβ.
Una nang inihain sa Senado nina Senators Bong Go, Ronald Dela Rosa, Francis Tolentino, at Mark Villar ang kahalintulad na panukala na Senate Bill 1784.
Pagbibigay-diin ng lady solons, ang mga former president ay kinakatawan pa rin ang bansa sa mga βpost presidential dutiesβ gaya ng mga pulong sa foreign at local dignitaries, pagdalo sa mga pagtitipon at social engagements.
Maliban dito, mayroon pa rin anila silang naiaambag na pananaw pagdating sa nation building.
Kaya naman upang mapanatili ang dignidad ng Office of the President ay marapat lamang na pagkalooban sila ng dagdag na benepisyo at pribilehiyo. | ulat ni Kathleen Jean Forbes