Pagpapalawig sa RTL na may mga pagbabago, sinusuportahan ni DA Secretary Laurel

Facebook
Twitter
LinkedIn

Suportado ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. ang mungkahing pagpapalawig sa Rice Tariffication Law (RTL) na may kasamang pagbabago sa ilang probisyon.

Sinabi ni Laurel, na walang duda na kailangan itong palawigin subalit kailangang may baguhin upang mai-angkop ito sa panahon partikular sa usapin ng modernisasyon.

Inihayag ng kalihim, na isa sa mga nais nitong mabago ay ang alokasyon ng pondo na hindi lalagpas sa P10 billion na ilalaan para sa farm inputs.

Nitong nakalipas na taon, ang kabuuang nakolekta aniya sa buwis ay umabot sa P29 billion.

Sinabi pa ng kalihim, dapat madagdagan ang alokasyon para mapahusay ang kakayahang makipagsabayan ng mga magsasaka at mapondohan ang post-harvest facilities na maaaring magpababa sa dami ng mga inaangkat na bigas.

Batay sa unang napag-usapan ng mga opisyal ng DA, tinukoy ni Laurel ang pangangailangan na payagan ang DA o NFA na ibalik ang kakayahan, para impluwesiyahan ang presyo ng bigas sa pamilihan at huwag limitahan ang pagbili ng palay sa mga lokal na magsasaka para sa reserba o buffer stock. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us