Mariing kinondena ni CIBAC Party-List Rep. Bro. Eddie Villanueva ang ginawang missile and drone attacks ng Iran laban sa Israel.
Sa isang statement, sinabi ni Villanueva na ang pag-atake ng Iran sa Isarael ay maglalagay sa libo-libong mga inosenteng sibilyan — Jews, Arabs, Muslim, Christians at mga kababayan natin OFWs sa panganib.
Nanawagan din ang mambabatas sa lahat ng panig na maging mahinahon upang hindi na lumaki ang sitwasyon na magdudulot ng pangmatagalang digmaan.
Umapela rin si Bro. Eddie na ipanalangin ang kapayapaan at kaligtasan ng Israel na maituturinng na close ally ng Pilipinas gayundin ang kaligtasan ng apat na Filipino seafarers na lulan ng Portuguese vessel MSC Aries, na hinijack sa Strait of Hormuz. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes