Inatasan na ni Sec. Jesus Crispin Remulla ang mga taga National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan si dating House Speaker at ngayon ay Davao del Norte Cong. Pantaleon Alvarez.
Ito ay may kaugnayan sa kanyang naging panawagan sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na mag-withdraw ng suporta sa kasalukuyang administration.
Ayon kay Remulla, tinitingnan na nila kung maaaring makasuhan ng sedition o rebellion si Alvarez.
Ang pahayag ng dating House Speaker ay kanyang ginawa sa prayer rally noong weekend sa Tagum City matapos suspindihin ng Malakanyang dahil sa katiwalian ang Gobernador doon.
Ipinaalala naman ni Remulla kay Alvarez, was na dapat nitong panatilihin ang mataas na pamantayan ng isang opisyal ng pamahalaan at bilang myembro ng Mababang Kapulungan. | ulat ni Michael Rogas