Malugod na tinanggap ni Philippine Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Toribio Adaci Jr. ang pagbisita ng Foreign Armed Forces AttachΓ©s (FAFA) sa Philippine Navy Headquarters kahapon.
Ang delegasyon ng FAFA ay pinangunahan ng Defense AttachΓ© ng Spain, Vice Dean Colonel Javier Martin Gil.
Kasama sa delegasyon ang mga Defense attachΓ© at Assistant Defense attachΓ© ng China, Indonesia, Japan, South Korea, Laos, Malaysia, Myanmar, Thailand, Turkey, United Kingdom of Great Britain and Northern Ireland, United States of America at Vietnam.
Nagpasalamat si Vice Admiral Adaci sa Defense attachΓ©s sa kanilang aktibong pakikipagtulungan sa Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagsulong ng seguridad habang itinataguyod ang interes ng kani-kanilang bansa sa Pilipinas.
Binigyang-diin ni Vice Admiral Adaci na mahalagang palakasin ang diplomatikong ugnayan ng Pilipinas sa mga ka-alyadong bansa, para mapanatili ang matatag at mapayapang Indo-Pacific Region. | ulat ni Leo Sarne
?: S1PH Hans Bryan Lim PN / NPAO