Nanawagan ang Securities and Exchange Commission (SEC) sa Google at Apple na tanggalin ang Binance cryptocurrency sa kanilang app store.
Ayon sa SEC, kahit na naka-block na ang website ng Binance, naa-access pa rin ito ng mga investor sa Google Playstore at Apple App Store.
Sa magkahiwalay na sulat na ipinadala ng corporation watchdog sa Google at Apple nitong April 19, 2024, hiniling nito na maialis ang mga applications na kinoktontrol ng Binance.com.
Ayon kay SEC Chairperson Emilio Aquino, ang pagbebenta o pag-aalok ng mga hindi rehistradong broker ay paglabag sa RA 8799 o Securities Regulations Code.
Aniya, kung matatanggal ang Binance Cryptocurrencies sa Apps ng Google at Apple maiiwasan ang paglaganap ng iligal na aktibidad at mapoprotektahan ang investing public. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes