Asahan na ang mas marami pang agricultural projects na ibababa ng national government sa Bangsamoro Region.
Ito ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang commiment ng administrasyon kung saan walang maiiwan sa pag-unlad sa isang Bagong Pilipinas.
Sa inagurasyon ng ₱5.13 billion na Malitubog-Maridagao Irrigation Project Stage II sa Pikit, Cotabato, sinabi ng Pangulo na asahan pa ang mas maraming serbiyong ilalaan sa mga mamamayan ng BARMM, para sa ikaaangat ng antas ng pamumuhan ng mga ito.
Ang tanging hiling lamang aniya niya sa mga benepisyaryo ng mga programa ng pamahalaan, pangalagaan ang mga ito, upang mapakinabangan pa ng susunod na henerasyon.
Ang proyektong pinasinayaan ngayong araw (April 29) ay layong patubigan ang higit 9,000 hektarya ng lupang sakahan.
Nasa higit 4,000 magsasaka ang makikinabang sa proyekto, kung saan base sa projection, papalo sa higit 110 kaban ng bigas kada hektara ang maaani. | ulat ni Racquel Bayan