Isinusulong ni Bicol Saro Partylist Rep. Brian Yamsuan ang mas mahigpit na na batas laban sa mga pekeng gamot.
Ginawa ni Rep. Yamsuan ang pahayag kasunod ng panawagan at pagsasanib pwersa ng Intellectual Property Office of the Philippines (IPPHIL) at ang Pharmaceutical and Healthcare Association of the Philippines (PHAP) na alisin ang mga pekeng gamot mula sa merkado at isulong ang abot-kayang mga inobasyon sa pangangalaga sa kalusugan.
Sinabi ni mambabatas na ang House Bill (HB) 3984, kung saan siya ay isang co-author, ay magpapalakas sa kampanya laban sa mga pekeng pharmaceutical products at ituring ang large-scale manufacture, sale, distribution and possession ng mga pekeng gamut bilang “acts of economic sabotage”.
Sa ilalim ng panukalang batas, maituturing na “counterfeit pharmaceutical products” ang isang gamot na kulang at may maling ingredients.
Ang lalabag ay mahaharap sa parusang administratibo may multa na P100,000 hanggang P5 milyon at ang pagsuspinde o pagbawi ng lisensya para magnegosyo habang ang parusang kriminal ay may pagkakulong mula sa hindi bababa sa 6 na buwan at 1 araw hanggang 15 taon. | ulat ni Melany Reyes