Dagdag na β±3.827-billion na pondo ang kakailanganin ng Commission on Elections (COMELEC) kung isasabay ang botohan ng Constitutional Convention (Con-Con) delegates sa Baranggay at Sangguniang Kabataan Elections sa October 30, 2023.
Ito ang sinabi ni COMELEC Chairperson George Garcia, sa kanyang pagharap sa House Committee on Appropriations na tinalakay ang funding provision ng Resolution of Both Houses No. 6 na nagpapatawag ng Con-Con.
Aniya ang dagdag pondo ay gugugulin para sa pag-iimprenta ng dagdag na balota para kung saan nakalagay ang pangalan ng Con-Con delegate na iboboto at honoraria para sa mga guro.
Aniya, target na mabigyan ng dagdag na β±2,000 βhonorariaβ ang mga guro na magsisilbi sa naturang eleksyon upang tapatan ang kanilang trabaho.
Paalala nito na ang bilangan sa BSKE at manual o mano-mano at kung isasabay ang botohan ng Con-Con delegates ay madaragdagan ang pangalang bibilangin sa balota.
βBase po sa estimate ng komisyon, time and motion study, if youβre going to elect the delegates, mga two to three hours na bibilangin at ipe-prepare ng mga teachers (poll workers) on the day of the election yung mismong mga documents patungkol sa delegates,β paliwanag ni Garcia.
Una nang naglaan ng β±8.4-billion ang Kongreso para sa BSK Elections sa ilalim ng 2022 budget. Kinailangan itong dagdagan pa ng β±3.2-billion matapos i-urong ang halalan sa October 2023 mula December 2022.
Martes nang aprubahan sa plenaryo sa ikalawang pagbasa ang RBH 6. | ulat ni Kathleen Jean Forbes