Pinayuhan ni Vice President Sara Duterte ang mga kababaihang maagang nagdalantao na huwag pabayaan ang edukasyon sa kabila ng pinagdadaanang pagsubok.
Sa kanyang pagbisita sa Pikit National High School sa North Cotabato, iginiit ni VP Sara na hindi dapat tumigil sa pag-aaral ang isang babaeng hindi planado ang pagbubuntis.
Mayroon aniyang ipinatutupad na Open High School o Alternative Learning System na makatutulong upang maipagpatuloy ang pag-aaral.
Binigyang-diin din ni VP Sara na mahalaga ang pagkonsulta sa mga doktor at health workers para sa kapakanan ng mga nagdadalantao.
Idinagdag ng Pangalawang Pangulo na kapag hindi na pumasok sa paaralan ay malaki ang posibilidad na hindi makapaghahanap ng maayos na trabaho at hindi mapapaaral ang anak.
Ang Responsible Parenthood ay tinatalakay ni VP Sara sa advocacy campaign na “PagbaBAGo” sa bawat lugar na iniikot. | ulat ni Hajji Pantua KaamiΓ±o
?: Vice President Sara Duterte FB page