Welcome sa ilang House members ang pagkakatalaga kay Francis Chiz Escudero bilang bagong tagapuno ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso.
Umaasa si House Assistant Majority leaders at Zambales Rep. Jay Khonghon at La Union Rep. Francisco Paolo Ortega na magdudulot ito ng mahusay na pakikpagtulungan at pag-unlad sa lehislatura.
Positibo ang mga ito na ang pagbabago ay hahantong sa makabuluhang pagsulong sa pagtugon sa mga mabibigat na isyu na kinahaharap ng bansa.
Ayon kay Congressman Khonghun, ang “pragmatic approach” at dedikasyon ni Escudero sa serbisyo publiko ay magbibigay-daan sa pag-unlad ng dalawang kapulungan ng Kongreso.
Kapwa inihayag ng mambabatas na ang kanilang pagasang makikipagtulungan sa bagong Senate President sa mahahalagang isyu tulad ng edukasyon, healthcare, inflation at economic constitutional amendments.
Diin ng mga ito na magbibigay-daan ang bagong Senate leadership sa constructive dialogue at effective solutions upang maisulong ang mga reporma na pakikinabangan ng lahat ng mga Pilipino.| ulat ni Melany V. Reyes