Nasawi ang isang 9-na taong gulang na babae at isang 40 na taong gulang na babaeng PWD sa sunog sa kanilang bahay sa Brgy. 9, Caloocan City.
Ang naturang bahay ay may apat na palapag at tinitirhan ng tatlong pamilya.
Ayon kay Fire Superintendent Jeffrey Atienza, Fire mashall ng Caloocan City Fire Station, nagsimula ang sunog bago mag alas-10 kagabi na umabot sa first alarm. Naapula ito ng mga bumbero pasado 11:50PM.
Dead on arrival sa ospital ang bata dahil sa third degree burns habang ang PWD ay hindi na nakalabas ng bahay.
Tinatayang nasa β±160,000 ang halaga ng pinsala.
Hindi naman nadamay ang mga katabing bahay.
Ayon sa ilang mga rumespondeng barangay tanod, pumutok-putok pa ang mga kawad ng kuryente.
Hindi na nakapagbigay ng pahayag ang kaanak ng mga biktima.
Nagtulong-tulong ang mga residente sa pag-apula ng sunog subalit narihapan ang mga bumbero sa pagpasok sa lugar dahil masikip.
Iniimbestigahan pa ng Caloocan Fire Station ang sanhi ng sunog. | ulat ni Bernard Jaudian Jr.