Pormal nang idineklara ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Andres Centino ang pagtatapos ng RP-US BALIKATAN 83-2023 ngayong araw.
Sumaksi rin sa closing ceremony sa Kampo Aguinaldo sina Department of National Defense Officer-In-Charge, Senior USec. Carlito Galvez Jr. gayundin si United States Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson.
Sa kaniyang pahayag, sinabi ni Centino na ipinamalas ng mga tropa ng Pilipinas at Amerika ang kanilang pagtutulungan upang mapalakas ang kanilang ugnayan at magpalitan ng mga kaalaman sa iba’t ibang hamon.
Binigyang diin pa ng AFP Chief na maraming “1st time” na nangyari sa BALIKATAN ngayong taon, tulad na lamang ng Joint Littoral Live Fire Exercise, Coastal Defense Live Fire at Cyber Defense Exercise.
Naging tampok din sa pagsasanay ang paggamit ng AFP ng missile gayundin ang mas malawak na pagsasanay sa iba’t ibang lugar at paglahok ng iba pang mga bansa tulad ng Australia bilang observer. | via Jaymark Dagala