Pangungunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., kasama si Department of Agrarian Reform (DAR) Sec. Conrado Estrella III, ang pamamahagi ng kabuuang 2,115 titulo ng lupa na saklaw ang 3,328.0973 ektarya ng lupang agrikultural sa Bicol ngayong araw, June 7, 2024 sa Fuerte Sports Complex, Provincial Capitol sa bayan ng Pili, Camarines Sur.
Nasa 1,965 Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) sa Bicol ang benepisyaryo ng aktibidad at saklaw ang mga lupang ito ng mga lalawigan ng Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Masbate at Sorsogon.
Inaasahang maipapamahagi ni Pangulong Marcos Jr. at ni Sec. Estrella ang 810 Certificate of Land Ownership Awards (CLOAs) sa ilalim ng regular na Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) ng ahensya at 1,305 electronic land titles (e-titles) sa ilalim ng Support to Parcellization of Lands for Individual Titling o Project SPLIT. | ulat ni Vanessa Nieva | RP1 Naga