Nakatutok na sa Negros Occidental ang pinadalang food truck at dalawang water tanker ng Philippine Red Cross para tulungan ang mga pamilyang biktima ng pagputok ng bulkang Kanlaon.
Nagmula sa Negros Occidental Regional Chapter ang tinawag na”Fleet of Hope” ng Red Cross.
Hanggang kahapon Hunyo 7, may 1,163 individuals mula sa mga bayan ng Carlota, La Castellana, at Bago City ang napagsilbihan ng hot meals ng Red Cross.
Ayon sa PRC, may dalawa pang food truck ang naka standby pa mula sa Cebu at Iloilo.
Patungo na rin sa La Carlota, Negros Oriental ang isa pang water tanker na may 10,000 liters capacity mula sa Regional Warehouse at Logistocs Hub sa Mandaue City sa Cebu.
Dalawa pang water tanker ang inihanda ng PRC upang makapagbigay ng potable water para sa mga magsilikas na residente. | ulat ni Rey Ferrer