Nagbukas pa ng bagong satellite office ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Camiling, Tarlac.
Ang Satellite Office ay pangalawa nang itinatag sa unang Distrito ng lalawigan.
Nauna nang naglagay ng satellite office ang DSWD sa munisipalidad ng Paniqui.
Layunin nito na ilapit ang mga programa at serbisyo ng pamahalaan sa mga nangangailangan.
Alinsunod din ito sa direktiba ni DSWD Secretary Rex Gatchalian, sa pakikipagtulungan ng local government units.| ulat ni Rey Ferrer